Sabado, Oktubre 27, 2012

Pinaka MABILIS na padalahan ng pera sa pinas

Western Union 




Isa sa pinakamabilis na padalahan sa pinas at maging sa ibang bansa . Upang mapadali ang pagkuha o pagpapadala ng pera kailangan lang ang isa sa mga  valid id.


Passport
Driver’s License
Professional Regulation Commission (PRC) ID
National Bureau of Investigation (NBI) Clearance
Police Clearance
Postal ID
Voter’s IDhttp://www.westernunion.com.ph/tl/
Government Service Insurance System (GSIS) e-Card
Social Security System (SSS) Card
Senior Citizen Card
Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ID
OFW ID
Seaman’s Book
Alien Certification of Registration/ Immigrant Certificate of Registration
Certification from National Council for Welfare of Disabled Persons (NCWDP)
Department of Social Welfare and Development (DSWD) Certification
Integrated Bar of the Philippines ID
Company ID’s issued by private entities or institutions registered with or supervised or regulated either by BSP, SEC or IC
Passport of Foreign Nationals
Student ID duly signed by the principal or head of school (only for students who are beneficiaries of remittances/fund transfers)


PAANO MAGPADALA NG PERA  

PUNUAN ANG FORM NA 'PARA MAGPADALA NG PERA' O 'TO SEND MONEY'

Punan ang 'To Send Money'      na form at ibigay ito sa Agent kasama ang orihinal na kopya ng iyong valid I.D, ma may litrato.  Pwede kang tumawag sa Pilipinas sa Customer Hotline sa 02 888-1200 (kung ikaw ay nasa Metro Manila) o 1-800-1-888-1200 (toll-free sa buong bansa gamit ang PLDT), 1-800-9-888-1200 (toll-free sa buong bansa gamit ang Globe) o +632 888-1200 (para sa mga tawag mula sa ibang bansa) para sa karagdagang impormasyon.
Kung mayroon kang Western Union Gold Card na inisyu sa Pilipinas, ipakita sa Agent ang card kasama ang iyong valid I.D, ma may litrato o iba pang dokumentong pang-suporta.

BAYARAN ANG IYONG PAGPAPADALA NG PERA

Ibigay sa Agent ang pera na gusto mong ipadala (ikaw ang Sender) at bayaran ang service fees2.

PIRMAHAN AT KUNIN ANG IYONG RESIBO

Ikaw ay papipirmahin ng resibo pagkatapos mong ma-check na tama ang lahat ng mga detalyeng nasa resibo. Isa sa mga detalyeng nasa resibo mo ay ang Money Transfer Control Number (MTCN). Mahalaga ang MTCN at dapat ipaalam mo lang ito sa taong iyong padadalhan.

IPAALAM SA IYONG PADADALHAN

Oras na para kausapin ang iyong Padadalhan (o benepisyaryo) ng pera, at ipaalam sa kanya ang kailangang impormasyon, tulad ng MTCN, ang iyong kumpletong pangalan (ang mismong pangalan na isinulat mo sa 'To Send Money' form), ang halaga ng pera ipinapadala mo, at ang bansa kung saan nanggaling ang pera.

PAANO TUMANGGAP O KUMUHA NG PADALA


Punan ang "To Receive Money" form



Huwag kalimutang dalhin ang sumusunod na impormasyon:

Ang 10-digit Money Transfer Control Number (MTCN)

Ang buong pangalan ng Nagpadala o Sender
Ang Lungsod O Bansa kung saan galing ang pera
ng Inaasahang Halaga ng pera na ipinadala
Ang iyong orihinal na valid I.D. na may litrato.

PUNAN ANG FORM NA 'TO RECEIVE MONEY'
Punan lamang ang 'To Receive Money' form at ibigay sa Agent ang MTCN at ipakita ang iyong orihinal na valid I.D. na may litrato
TINGNAN ULIT KUNG TAMA AT PIRMAHAN ANG RESIBO
Ikaw ay bibigyan ng resibo. Basahin mo ito ng mabuti at pirmahan ang resibo kung tama ang lahat ng mga detalye.

TANGGAPIN ANG IYONG PERA

Ibibigay sa iyo ng Agent ang iyong pera kasama ang resibo. Tapos na ang transaction. Pakitago ang iyong pera sa isang ligtas at segurong lugar.


Questions :::

Ano ang gagawain kapag mali ang pangalan ko na inilagay ng nagpadala sa akin?

 Kontakin o tawagan ang nagpadala at sabihin na pumunta sa pinagpadalhang western union upang baguhin ang pangalan mo o ng tatanggatp kailanagang tama ang pangalan na nakalagay sa resibo at sa VALID ID ng tatanggap upang madali itong makuha.

Pwede ko bang ipakuha ang pinadala sa akin kung ipapadala ko na lang ang aking id ?

Hindi po, hindi tumatanngap ang western uninion ng notarization o letter kahit na may pirma pa ito ng tatanggap . Para na din sa seguridad ng tatangap.

Gaano kabilis ko makukuha ang pinadala ?

Mabilis lang , kapag nakuha mo na o naibigay na sa iyo ang MTCN o control number maari ka ng pumunta sa pinakamalapit na western union upang kuhanin ang perang pinadala.












15 komento:

  1. pano kung walang id ang mag papadala

    TumugonBurahin
  2. Pano po kung walang I'd young tatangap ng pera piano po yon

    TumugonBurahin
  3. Paano po Kung Yung nag padala kulang po Ng Petra Yung pangalan Ng receiver for example po pangalan ko po JUSTRIMALINE BLASE pero ang nakalagay po TRIMALINE BLASE?

    TumugonBurahin
  4. Maari ko parin bang makuha Yun nasa akin Naman po Yung MTCM

    TumugonBurahin
  5. Meron po ba kayong branch sa Valenzuela ?

    TumugonBurahin
  6. Gaano po kabilis ang western galing sa Japan

    TumugonBurahin
  7. Pwede po bha nd munah kunin yung pera na pinadala nila kahit ilang araw?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Poide po ba na d muna kunin yung pera na pinadala nila kahit ilang araw

      Burahin
  8. PAANO PO KO PO MAKUHA UNG NAPANALUNAN KO PONG PERA NA $5000

    TumugonBurahin
  9. Paano po kung apilyedo at middle name lang po yung nailagay ng sender po at wala yung pangalan ko?

    TumugonBurahin
  10. Meron po ba ngpadala na ang pangalan ay Josyano Gabriel from egypt

    TumugonBurahin